Ang Lakbayan 2016 ay isang makasaysayang tagpo
ng nagkakaisang hanay ng mga katutubo at mga moro. Tangan-tangan ang palabang
diwa ng pagkakaisa, naglakbay sila mula
sa kanilang lupang ninuno patungong Kamaynilaan, upang irehistro ang kanilang mga
panawagan sa ating kasalukuyanng administrasyon-- sariling pagpapasya at
makatarungang kapayapaan. Ito rin ang kanilang naging paraan upang palakasin ang kanilang mga panawagan
hinggil sa pandarahas sa kanila ng mga militar,
pangangamkam ng lupa at likas yaman.
Oplan Bayanihan
Hanggang Ngayon
Sa administrasyong Duterte, patuloy pa rin ang OPLAN BAYANIHAN, isang programang sinimulan ng administrasyong Aquino na naglalayong puntiryahin ang mga rebolusyonaryo pati na rin ang iba pang mga armadong kilusan. Dahilan ito upang mamalagi ang mga militar sa mga komunidad ng mga katutubo. Patuloy rin ang pag-aakusa sa kanila na sila ay mga kasapi diumano ng mga armadong grupo na nagiging dahilan ng maraming kaso ng pagpaslang sa mga lider-katutubo. Dagdag pa rito ang patuloy na ang pagsasamantala at panggagahasa sa mga kababaihang katutubo. Hindi rin ligtas ang sektor ng kabataang katutubo dahil maging ang mga paaralan nila ay ginagawang base ng mga militar na nakahadlang sa kanilang pag-aaral.

"Ang lupa ay buhay"
Para sa mga katutubo, wala nang hihigit pang kayamanan bukod sa kanilang mga lupang ninuno, isang katotohanang tila hindi pinahahalagan ng ating gobyerno. Sa kabila ng pagkasira ng kagubatan, patuloy pa rin ang pangangamkam ng lupa ng mga kapitalistang dayuhang nagmamay-ari ng malalaking minahan dito sa bansa. Patuloy rin ang mga bogus na programa ng ating gobyerno na hindi naman tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga katutubo. Nariyan ang National Greening Program (NGP) na ang layunin lamang ay pagkakitaan ang lupain ng mga katutubo. Imbis kasi na taniman ito ng mga halamang magagamit ng mga katutubo, ay tinatamnan nila ito ng mga punong sila rin naman ang makikinabang. Ito ang kanilang paraan upang sa huli ay mapunta sa kanila ang control sa lupa.

Nariyan din ang National
Commission in Indigenous People (NCIP) na hindi naman pinakikinggan ang mga hinaing
at panawagan ng mga katutubo. Laganap dito ang korapsyon at ang pakikipagsabwatan
nito sa mga malalaking kapitalista. Tahasan rin nitong pinakikialaman ang mga
tradisyunal na pamamaraan na pamumuhay ng mga katutubo.
Lakbayan sa LB
Upang higit na
mamulat ang sangkaestudyantehan sa tunay na kalagayan ng Pambasang Minorya,
minabuting bisitahin ng ating mga LAKBAYANI
ang Unibersidad ng Pilipinas Los Banos. Ngunit
imbes na iparamdan sa kanila ang ating suporta, na kaisa nila tayong sektor ng
kabataan sa kanilang laban, ay tila isang kibit-balikat lamang ang tugon dito ng
administrasyon ng pamantasan. Ang inaasahang suporta mula sa kanila ay hindi naramdaman
bagkus pangmamata at pagwawalang bahala lamang ang naranasan ng ating mga kapatid na katutubo.
Kasabay ng pagdiriwang
na “Loyalty day“ na may temang “Rekindling the UPLB spirit in service of the people" ay ang unang pagtapak ng mga katutubo sa Unibersidad. Nakitang pagkakataon ito
para marinig ng mas malawak na hanay na mamayan ang kanilang mga hinaing, kaya sinubukang
sumama ng mga katutubo sa parada. Ngunit imbes na sila ay agarang pasamahin at
bigyan ng mainit na pagtanggap ay nag-atubili pa ang administrasyon ng
Pamantasan. Nariyan at hinarang din ang ilan pang mga naunang dumating na
katutubo na pumasok sa Student Union Building upang makapagpahinga. Nasaan na
ang sinasabing “service of the people”? Kaninong interes ba ang tunay na
isinusulong ng ating pamantasan?
Hindi pa
natatapos dito ang pagwawalang bahala ng ating administrasyon sa mga katutubo.
Ilang beses din dinisaprubahan ang paggamit sa Copeland bilang panuluyan pansamantala
ng mga katutubo na siyang ginamit din noong nakaraang Manilakbayan. Sa halip ay
inialok ang pagkalayo-layong Jamboree na hindi ligtas para sa mga katutubo. Hindi rin ito magandang lugar para sana mas
mapuntahan pa ng mga estudyante na gustong makisalamuha sa mga katutubo.
Makailang ulit rin ang panghaharang sa mga katutubo sa pagpasok sa mga gusali
ng pamantasan.
Mahaba pang landasin
Sa kabila ng lahat
ng mga pagsubok na kinaharap ng mga Lakbayani, hindi
sila patitinag na isulong ang kanilang interes at makibaka para sa kanilang mga
karapatan. Katulad rin ng mapanupil na estado, naiintindihan ng ating mga
kapatid na katutubo na magpapatuloy pa rin ang pang-aapi't panghahamak hangga’t
hindi nababago ang lipunan. Dadalhin nila ang kanilang mga hinaing hanggang
makamtan ang tagumpay, ang kalayaan sa sariling pagpapasya, karapatan sa lupang
panirikan at sa pagpapa-aalis ng mga militar sa kanilang komunidad.
Isang malaking
hamon ito para sa atin bilang mga iskolar ng bayan na isantabi ang ating mga
makasariling interes upang iparating pa sa mas malawak na hanay ng mamayan,
labas sa ating sektor, ang tunay na kalagayan ng ating Pambasang Minorya at
patuloy na makiisa sa kanilang pakikibaka upang makamit ang matagal nang dapat
sa kanila.
- 6:29:00 AM
- 0 Comments