1:13:00 AM

diyos
ni Papat Catriz

Dumating sa mundo nang
Ngumangawa at pumipiglas at
Naliligo sa dugo ng ibang

Tao ako nung
Simula ay humihinga, nakakaramdam at
Lumilikha ng sarili kong

diyos nga ba ang sarili at
sarili lamang ang
nagluwal sa
sarili
isipin lamang ang sarili.
Tinatanong ko at
Nalaman na
Dapat lang na
Paglingkuran ang

Sambayanan, dahil hindi diyos
Ang sarili ay hindi diyos
Tanging ang masa lamang
Ang siya
Na dapat iluwal
Likhain at pagsilbihan
Sambayanan ang tahanan na
Kahit kailan ay hindi

Lilisanin ang mundo nang
Sumisigaw at pumipiglas at
Naliligo sa dugo ng ibang

Tao ako nung simula

You Might Also Like

0 comments

Popular Posts