Teatro Umalohokan
Noong huling buwan ng unang semestre, taong 1977, isang lupon ng mga mag-aaral at propesyonal na may interes at karanasan sa pantanghalang sining ang nagpasyang magtayo ng isang dulaan. Ito ay tinawag nilang Teatro Umalohokan Inc. Ang Umalohokan ay salitang katutubo na nangangahulugang tagapagsalita (town crier, sa wikang Ingles).
Naniniwala ang dulaan na ang pagka-Pilipino ng isang dula ay bunga ng kanyang nalalamang makaPilipino. Ito ay nararapat na sumasalamin sa kultura o pangkalahatang kabuhayan sa lipunan, nagsisilbi sa nakararami at higit sa lahat, tumutugon sa isang tiyak na pangangailangan sa nasabing Nagsimulang bumunga sa tanghalan ang Teatro Umalohokan noong 1978, kasama ang UP Bigkis Sining, at Tulisanes sa dulang 'Ay! Ay! Kalayaan'.
Sa pagdaan ng mga taon ay may mga karangalan na ring natamo ang samahan. Taong 1988 nang gawaran ito ng parangal bilang Best Socio-Cultural Org at Most Outstanding Organization sa buong UP system sa sumusunod na taong 1987-89. Napasama rin ang Teatro sa mga napiling CCP Theater Grant Awardees para sa dulang Langit May Magdilim, taong 1988.
Himig Umalohokan
Mga progresibong awiting sumasalamin sa kultura o pangkalahatang kabuhayan sa lipunan ang maririnig sa Himig Umalohokan. Natatag noong 1991, nakapagdaos na ito ng isang konsyerto – Hard Habit to Break – tumutukoy sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga mapang-aping uri. Totoong may baha sa pagtatanghal na konsyerto sa pamantasan subalit ang karamihan ay hindi tumutugon sa pangangailangan ng panahon. Kaya’t upang mahabi ang tungunin ng musikang lalaganap sa pamantasan ay naitatag ang samahan, at habang ang tunggalian sa lipunan at pangkabuhayan ay umiigting, ang musika ay nararapat na maging higit na makulay at mayaman sa anyo at nilalaman.
Kasabay sa pag-igting ng pakikibaka ng mamamayan sa nakaraang diktadura, mabilis na tinugon ng Umalohokan ang pangangailangan magsilang pa ng isang grupo ng mga estudyanteng may interes at karanasan sa sining Biswal. Iniluwal noong taong 1992, ang Pintados Umalohokan. Nang taon ding iyon ay sumama sila sa ilang gawaing pangpamantasan gaya ng Feb Fair ’92, Isko’t Iska, Hirit Again! atbp. kasama ang ilan pang organisasyon bilang pambungad pagpapakilala nito sa pamantasan.
Sa paglakad ng taon, nakatulong din ang Umalohokan sa pagbubuo ng mga samahan sa labas ng pamantasan. Ang Pantanghalang Sining ng Laguna, sa pagtataguyod ni Gob. At Gng. Felicisimo San Luis ay isa sa mga unang pinag-kaabalahan ng Umalohokan. Sa mga lalawigan ng Quezon, Batangas at Cavite ay nakapaglingkod din ang Umalohokan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sama-aral at tulong pang-organisasyon sa mga samahang kultura.
Magpasahanggang ngayon ay patuloy na nagsisikhay ang Umalohokan upang higit na mapahusay angkanilang paglikha ng sining – maging sa anyo man ng dula, biswal o musika, mahigpit na makipagtulungan sa iba ang pangkulturang samahan, mabilis na magpalaganap ng makabansa, siyentipiko, at makamasang kultura.
++++++
- 10:15:00 AM
- 0 Comments