ni Kirby Vicente
May nabasa akong post sa Facebook
May nabasa akong post sa Facebook
Tungkol sa paglibing kay Marcos sa
Libingan ng mga Bayani
Tungkol sa paglibing kay Marcos sa
Libingan ng mga Bayani
Hindi ko ito maintindihan
Hindi ko ito maintindihan
Bakit may mga tumututol?
Bakit ang daming sumasang-ayon?
Naging bayani naman si Marcos!
Hindi kailanman naging bayani si Marcos
Madaming naitayong mga buildings
At umunlad pa ang ekonomiya
Hindi sapat na kabayaran ang pag-unlad
ng ekonomiya sa
Dami ng mga namatay nung panahon niya
May disiplina nung panahon niya
Takot ang karamihan kaya disiplinado
sila
Mga hindi kayo nag-aaral
Isa ako sa mga biktima ng Martial Law
Sayang ang tax namin sa inyo
Ninakaw ng mga Marcos ang kaban ng bayan
Marcos parin mga ulol
Hindi na dapat maulit ang Martial Law
Siya ay isang magaling na presidente
Siya ay isang salot, pasista, at
diktador
Dahil sa kanya, may NLEX at SLEX
Natayo pa ang heart at lung center
Dahil sa kanya, hindi ko na nasilayan
pang muli ang asawa at anak ko.
Mga namatay? Hindi totoo 'yan
Marami ang mga namatay at biglang
naglaho na parang bula. Ako mismo ay naging saksi nito.
Sobrang peaceful kaya nung panahon niya
Kailan pa naging maingay sa isang
sementeryo...
Mga hindi sumusunod sa batas lang ang
nakukulong
Pagdating ko sa bahay, kinuha nila ang asawa at anak ko.
Inosente sila? Nasan ang pruweba niyo?
Nais lang naman nila na ilahad ang
katotohanan para sa kanilang mga kababayan
Mga rebelde lang ang pinapatay
Hindi masama na ilahad ang totoo
Tortyur? Wala akong nabalitang ganyan!
Pilit kong binubura sa alaala ang
kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat
Water Treatment? Russian Roulette?
Pinaglololoko niyo lang ako
Naaalala ko pa ang bilang ng tadyak at
kalabit ng baril na kailangan kong tiisin. Wala akong kalaban-laban.
Kalimutan na natin ang lahat
Hindi namin kakalimutan ang karahasan na
dinanas namin sa panahon niya
Mag-move on na kayo! Matagal nadin
namang lumipas yung Martial Law
Kasalanan na ilibing sa limot ang
pasakit ng nakaraan
- 12:39:00 AM
- 0 Comments