Tula-galaw. Unang itinanghal ng Umalohokan, inc. noong Mayo Uno 2014 sa Calamba, Laguna.
Sa Lambong ng Dilim, Ika'y Lumaya
ni A. Estacio
Liwanag ng bukang liwayway ay
Sumisinag at sumisikad sa
Mga matang pikit—
Lunod pa sa alimyon ng panaginip,
Lutang sa panandaliang selestyal
Ngunit nang namulat, nasilayan ang pangaw sa paligid
Magbanat na ng buto’t batakin ang laman!
Pagbubukang liwayway, sumisikad sa pasmadong katawan
Ngayo’y naparito sa purgatoryo
Patibayin ang sikmura’t kailangang magtrabaho!
Sumisinag at sumisikad sa
Mga matang pikit—
Lunod pa sa alimyon ng panaginip,
Lutang sa panandaliang selestyal
Ngunit nang namulat, nasilayan ang pangaw sa paligid
Magbanat na ng buto’t batakin ang laman!
Pagbubukang liwayway, sumisikad sa pasmadong katawan
Ngayo’y naparito sa purgatoryo
Patibayin ang sikmura’t kailangang magtrabaho!
Mga matang dilat—
Ngayo’y nakatitig sa daang gagapangan,
Muling masasaksihan ang paghapo ng katawan;
Ang pagawaan, araw gabi’y
Pinaliliguan ng sariling pawis,
Natitilamsikan ng dugong malabnaw
Lipak at libag, nagsulputan sa kamay
Sanay sa hirap, ‘di patitinag na mapagsilbihan
Itong haring nagpapatak ng grasya
Ngayo’y nakatitig sa daang gagapangan,
Muling masasaksihan ang paghapo ng katawan;
Ang pagawaan, araw gabi’y
Pinaliliguan ng sariling pawis,
Natitilamsikan ng dugong malabnaw
Lipak at libag, nagsulputan sa kamay
Sanay sa hirap, ‘di patitinag na mapagsilbihan
Itong haring nagpapatak ng grasya
Datapwa’t mga manggagawang
Gumagapang sa daang may salubsob
Dugo nila’y grasyang
Pumapatak sa nakasahod nating kamay;
Tinubigan ang lupang tigang,
Pinunan ang sikmurang kumakalam,
Nililok ang mundong kinatitirhan,
Tayo di’y pinagsisilbihan
Gumagapang sa daang may salubsob
Dugo nila’y grasyang
Pumapatak sa nakasahod nating kamay;
Tinubigan ang lupang tigang,
Pinunan ang sikmurang kumakalam,
Nililok ang mundong kinatitirhan,
Tayo di’y pinagsisilbihan
‘Di pa man nakakaraos sa paggapang,
Sila’y nilalapnos na ng araw
Araw ng dilim at hilakbot
Na minsan nang hiningan ng liwanag
Ngunit ‘di na muling nakita;
Sinahod pa ang kamay,
Binudburan lang ng alikabok;
Binting may linsad, daliring may paltos,
Pinahiran lang ng hangin;
Katawang hinihigop ng libingan,
Hinulugan lang ng kusing
Sila’y nilalapnos na ng araw
Araw ng dilim at hilakbot
Na minsan nang hiningan ng liwanag
Ngunit ‘di na muling nakita;
Sinahod pa ang kamay,
Binudburan lang ng alikabok;
Binting may linsad, daliring may paltos,
Pinahiran lang ng hangin;
Katawang hinihigop ng libingan,
Hinulugan lang ng kusing
Manggagawa’y ‘di makaalpas sa pangaw
Tuluyan pang hinahatak ng impyerno;
Hari nila’y nabubultak
Sa salaping nilalaklak,
May tinira pang patak
Subalit ipinagkait pa
Sa lalamunang tuyo’t nauuhaw
Kaluluwa’y humihiwalay sa katawan
Hari’y ‘di pa nabundat,
Nilalamon pa ang kanilang laman
Tuluyan pang hinahatak ng impyerno;
Hari nila’y nabubultak
Sa salaping nilalaklak,
May tinira pang patak
Subalit ipinagkait pa
Sa lalamunang tuyo’t nauuhaw
Kaluluwa’y humihiwalay sa katawan
Hari’y ‘di pa nabundat,
Nilalamon pa ang kanilang laman
Bukas darating ang bukang liwayway
Watawat na’y ihahayuhay
Hahanapin ang bendahe para sa
dugong dumadanak,
Pagpapantayin ang timbangan ng
Hirap at bunga
Imulat na ang mga mata,
Tumayo mula sa pagkakagapang
Ipaglalaban ang liwanag
Sa lambong ng dilim, ika’y lumaya!
Watawat na’y ihahayuhay
Hahanapin ang bendahe para sa
dugong dumadanak,
Pagpapantayin ang timbangan ng
Hirap at bunga
Imulat na ang mga mata,
Tumayo mula sa pagkakagapang
Ipaglalaban ang liwanag
Sa lambong ng dilim, ika’y lumaya!
- 3:24:00 AM
- 0 Comments